Saturday, May 29, 2010

Kalyo

Habang naka-pikit ang kaliwang mata, pilit ko namang binubuksan ang kanang mata ko para i-scroll sa stop ang touch screen kong cellphone na nag-a-alarm. 7:30 na pala ng umaga kaya kailangan ko nang tumayo, kasi pag pinikit ko ulit ang mata ko, baka alas-diyes na ako magising ulit. Maghihintay ng bonggang bongga si ate Tina sa Deira City Center Metro Station sa wala.

Pagkatupi ko ng napaka-bigat na comforter, dahan-dahan akong baba sa napaka-taas na doubledeck na binili pa sa IKEA. Kailangan dahan-dahan kasi tulog pa sila kuya. Diretso na ako ng kitchen para maginet ng tubig sa painitan na electric. Kasabay nyan, papainitin ko na din ang tubig sa kaldero at ilalagay ang oatmeal. After 3-6 minutes, mainet na ang tubig para sa kape ko at luto na din ang oatmeal ko. Sakto ito, kakain muna ako ng breakfast habang naliligo pa yung isang nagrerent dahil usually 8 AM gumagamit ng banyo yun.

Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan, tapos na din maligo yung nagrerent. Sakto! Pagkakuha ko ng twalya ko at ng aking wardrobe for the day, ligo bilis na ako dahil 8:20 na. Ang usapan namin eh 9 nasa Metro Station na. Goodluck naman. Tagal pa naman ng bus na sasakyan ko papunta Deira.

Pagpatak ng 9, tapos na ako maligo, magbihis, at magmake-up. Nakaka-5 missed calls na din si ate Tina. Hahaha... Kailangan ko nang tawagan si ate tina at sabihing nagaabang na ako ng bus kahit palabas palang ako ng bahay. Pagbaba ng phone,doublecheck ko na ang bag ko. Shades, check! Resume na karaniwang tawag nila dito ay CV, check! Nol card na ginagamit namin sa bus at train, check! Wallet, check! Glucose biscuit, check! Okay na, ready to go na. Kailangan ko nalang isuot ang sapatos na kabibili ko lang 2 months ago bago ako pumunta dito at maglagay ng sunblock kasi matututong ako sa soooobrang inet ng araw. Mga 11 minutes din ang nilalakad papunta sa bus station. Ang favorite bus number ko, Bus 22. Aabutin din ng 10 mins na paghihintay bago dumating yun.

Ten na ng umaga at kailangan ko din tawagan si ate tina para sabihin na pababa na ako ng bus. Ready to go na kami para magwalk in! Goodluck! "Nararamdaman ko na ate tina, ngayong araw na to, magkakaron na tayo ng trabaho!" ang lagi kong sinasabi sa kanya. Pampalakas ng loob ba. Saan ba ang destinasyon natin ngaun? Dubai Airport Freezone, Internet City, Financial Center, Burjuman, Deira, Bank Street o Abu Dhabi.

Ganyan madalas ang routine ko sa loob ng halos 2 months. Bus, Metro, at lakad sa ilalim ng tirik na tirik na haring araw. Kaya nga eto, certified black beauty na ako at nadevelop na din ang makapal na balat sa gilid ng maliit kong daliri sa paa at sa likod ng paa, na karaniwang tinatawag na kalyo.

No comments: