Monday, May 31, 2010

Lifestyle sa Dubai

An ex officemate asked me, kung kamusta daw ang lifestyle sa Dubai? Pano ba i-explain yun. Eh sabi ko naman hindi ko pa masasagot ng maayos yun kasi wala pa naman akong work at mag-2 months palang naman ako dito. Pero sabi ko sige, i-base ko nalang sa observation ko sa mga tao dito, lalo na sa mga kasama ko sa bahay.

Nagsta-start ang linggo nila dito ng Sunday. Yun ang first working day ng week. So usually nagaattend ng mass ang mga tao after office hours. Kaya ang oras sa hapon ay 6:00 at 7:30 PM. Pag ganung oras, usually traffic ang mga daan malapit sa St. Mary's Church. Isa sa iilang catholic church dito. Makulit kasi walang crucifix sa labas ng simbahan, I don't know why. May mass din sa umaga para sa mga tanghali ang pasok sa opisina. Ang cool nga kasi may schedule pala para sa mass sa iba't ibang language. Arabic, French, Konkani, Malayalam, Malanakara Rite, Singhalis, Tamil, Urdu, at siyempre mawawala ba ang Tagalog. Kahit saang parte kaya ng mundo may Pinoy.

Madalas ang mga nagtratrabaho, nagluluto na the night before lalo na yung mga maaga umaalis dahil malayo ang lugar ng pinagtratrabahuan. Ayon din sa mga kwento nila, dito nalang sila natutong magluto. Ang katapat? Si Mr. Google para sa recipe ng nagustuhang putahe. Kaldereta, bicol express, sinigang, adobong bangus, and even crispy pata. Siyempre madami pang iba. Okay din kasi nagkalat ang maliit na supermarket at convenience store. Convenient ba kamo? Pag kulang ng ingridient ang adobo mo ng sibuyas, isang tawag ka lang. Pede ka kasi magpadeliver dito kahit ano at kahit ilan. Walang extra charge yun. Mapa isang kilong sibuyas pa yan o isang stick ng yosi, panalo diba?

Imbis na TGIF, TGIT. Thank God It's Thursday. Pagkakataon na ng mga taong gumimik. Either uumagahin sila or magsleep over saan man. Lalo ang Friday, happy happy din ang araw na yan. Tapos pag Saturday, pwede pa ding magmall. Nandyan ang Deira City Center, Dubai Mall kung saan makikita mo ng malapitan ang Burj Khalifa, Mall of the Emirates na isa sa mga malalaking malls, at Dubai Marina Mall. Kailangan mo lang i-make sure na nakapaglaba ka na sa automatic na washing machine, ilang clicks lang, tapos iwan mo. After 40 minutes, pwede ka na magsampay. At ang sinampay, after 2 hours tuyo na, maari ka nang mamalantsa. Diba ang bilis lang. After nun, konting walis at punas, larga na para sa lakwatsa mo.

Kung health concsious ka naman, may mga gym na pwede ka magenroll, like fitness first na hiwalay ang gym ng babae at lalaki. Kung nagtitipid naman, may mga malalapit ng parks at beaches na pwede ka magjogging or magbike. May track sila na pwede takbuhan at pwede magbike. Payong kaibigan lang, jog in the afternoon. Yung tipong papalubog na ang haring araw, kasi mainet talaga. Miski gabi mainet pa din. Hopefully mahangin pag nagbike ka or nagjogging. Malas mo kung walang hangin. Since nasa beach ka na, try mo na din ang magswim, masarap ang tubig. Brace yourself lang sa mga makikita mo. Ang mga babae kahit nagswiswim, nakabalot pa din. Yung mga lalaki naman, para bang buhok na tinubuan ng tao. Peace!

Ayan, based from my observation halos ganyan ang buhay nila dito. Tulad din siguro sa ibang bansa, kung OFW ka malaki maiipon mo kung di gano magastos ang lifestyle mo. Pero okay pa din yung paminsan minsan naeenjoy mo yung pinaghihirapan mo.

Saturday, May 29, 2010

Kalyo

Habang naka-pikit ang kaliwang mata, pilit ko namang binubuksan ang kanang mata ko para i-scroll sa stop ang touch screen kong cellphone na nag-a-alarm. 7:30 na pala ng umaga kaya kailangan ko nang tumayo, kasi pag pinikit ko ulit ang mata ko, baka alas-diyes na ako magising ulit. Maghihintay ng bonggang bongga si ate Tina sa Deira City Center Metro Station sa wala.

Pagkatupi ko ng napaka-bigat na comforter, dahan-dahan akong baba sa napaka-taas na doubledeck na binili pa sa IKEA. Kailangan dahan-dahan kasi tulog pa sila kuya. Diretso na ako ng kitchen para maginet ng tubig sa painitan na electric. Kasabay nyan, papainitin ko na din ang tubig sa kaldero at ilalagay ang oatmeal. After 3-6 minutes, mainet na ang tubig para sa kape ko at luto na din ang oatmeal ko. Sakto ito, kakain muna ako ng breakfast habang naliligo pa yung isang nagrerent dahil usually 8 AM gumagamit ng banyo yun.

Matapos kumain at hugasan ang pinagkainan, tapos na din maligo yung nagrerent. Sakto! Pagkakuha ko ng twalya ko at ng aking wardrobe for the day, ligo bilis na ako dahil 8:20 na. Ang usapan namin eh 9 nasa Metro Station na. Goodluck naman. Tagal pa naman ng bus na sasakyan ko papunta Deira.

Pagpatak ng 9, tapos na ako maligo, magbihis, at magmake-up. Nakaka-5 missed calls na din si ate Tina. Hahaha... Kailangan ko nang tawagan si ate tina at sabihing nagaabang na ako ng bus kahit palabas palang ako ng bahay. Pagbaba ng phone,doublecheck ko na ang bag ko. Shades, check! Resume na karaniwang tawag nila dito ay CV, check! Nol card na ginagamit namin sa bus at train, check! Wallet, check! Glucose biscuit, check! Okay na, ready to go na. Kailangan ko nalang isuot ang sapatos na kabibili ko lang 2 months ago bago ako pumunta dito at maglagay ng sunblock kasi matututong ako sa soooobrang inet ng araw. Mga 11 minutes din ang nilalakad papunta sa bus station. Ang favorite bus number ko, Bus 22. Aabutin din ng 10 mins na paghihintay bago dumating yun.

Ten na ng umaga at kailangan ko din tawagan si ate tina para sabihin na pababa na ako ng bus. Ready to go na kami para magwalk in! Goodluck! "Nararamdaman ko na ate tina, ngayong araw na to, magkakaron na tayo ng trabaho!" ang lagi kong sinasabi sa kanya. Pampalakas ng loob ba. Saan ba ang destinasyon natin ngaun? Dubai Airport Freezone, Internet City, Financial Center, Burjuman, Deira, Bank Street o Abu Dhabi.

Ganyan madalas ang routine ko sa loob ng halos 2 months. Bus, Metro, at lakad sa ilalim ng tirik na tirik na haring araw. Kaya nga eto, certified black beauty na ako at nadevelop na din ang makapal na balat sa gilid ng maliit kong daliri sa paa at sa likod ng paa, na karaniwang tinatawag na kalyo.

Friday, May 7, 2010

Burning Bridges

Madami nagtataka, bakit daw ako nagresign? Okay naman sweldo ko. Wala naman akong sinusuportahang kamag-anak or pinag-aaral na kapatid. In short di naman matindi pangaingailangan ko para magquit sa job ko at makipag-sapalaran sa ibang bansa. Oh kaya bakit ako kagad nag-resign, eh wala pa naman akong lilipatan. Eh well, lahat naman tayo may kanya-kanyang reason kung bakit kelangan bitawan ang isang bagay na sa tingin ng iba eh OK pa. Ako madami akong naiisip na reason why I finally submitted my resignation letter.

Hindi ko mae-explain sa simpleng salita lang yung mga naiisip kong dahilan eh. Alam kong malaking risk ito for me. Pero siguro part yun ng challenge ko for myself. Lahat naman tayo nagtatake ng risk in the hope of a favorable outcome. Now, the focus is to get a new job with of course better compensation. With that, I burnt my bridges. Kasi I consider this as a battle. No return, no surrender. Ang goal ay manalo.

Maraming dahilan ako for leaving Pinas. I just hope things will fall into places soon. Ay mali pala. I know, things will fall into places soon. =D